.

Handog Lyrics

Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
Dahil sa inyo
Narinig ang isip ko at naintindihan
Kaya't itong awiting aking inaawit
Nais ko'y kayo ang handugan
Parang kailan lang
Halos ako ay magpalimos sa lansangan
Dahil sa inyo
Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lang isang awitin

Tatanda at lilipas din ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil, minsan, tayo'y nagkasama
Parang kailan lang
Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan
Dahil sa inyo
Narinig ang isip ko at naintindihan
Dahil dito'y ibig ko kayong
Ituring na matalik kong kaibigan
Tatanda at lilipas din ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil, minsan, tayo'y nagkasama

Tatanda at lilipas din ako
Nguni't mayroong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala
Dahil, minsan, tayo'y nagkasama

Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin
Report lyrics
Tuloy Ang Byahe (2012)
Tuwing Umuulan at Kapiling Ka Anak Kahit Na Kailan Malayo Pa ang Umaga Ikaw Lang ang Aking Mahal Usahay Huwag Mong Sabihin Sika Laeng Iti Biag Paano Lagi Na Lang Iduyan Mo Pumapatak ang Ulan Manila Joey's Theme (Umaga Na Naman) Handog