.

Agila (Haring Ibon) Lyrics

Nais kung lumipad tulad ng agila
At lumutanglutang sa hangin
Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan
Ngunit ito ay panaginip lang
at maaring di matupad
Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawala
Mga puno nito'y nangingibang bayan
At 'pag walang puno wala na ring mapupugaran
Kapag ang agila'y walang pugad
Wala na siyang dahilang lumipad

Oh haring ibon, hari kung tunay
Nais kung tumulong
ng kaharian mo'y muling mabuhay
Kung nais mong makakita ng agila
H'wag kang tumingala't tumitig sa langit
'Pagkat ang mga agila nitong ating bayan
Ang iba'y nabihag na

Ang natitira'y bihirang magpakita
Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
At sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat
Ang lahi ba nila'y tuluyan ng mawawala
Oh haring ibon, hari kung tunay
Nais kung tumulong
ng kaharian mo'y muling mabuhay (2X)
Report lyrics
Panganay ng Umaga (1991)
Panganay ng Umaga Walang Ibang Sadya Maglakad Saan Ka Patungo Panganay Ko Bata-Batuta Mirasol Agila (Haring Ibon) Wala Nang Tao Sa Sta. Filomena Usok Bankerohan