INTRO
(Sayang ka, pare ko)
Kung 'di mo ginagamit ang 'yong talino
(Sayang ka, aking kaibigan)
Kung 'di mo ginagamit ang 'yong isipan
(Ang pag-aaral ay 'di nga masama)
Ngunit ang lahat ng pinag-aralan mo'y matagal mo nang alam
(Ang buto ay kailangan diligin lamang)
Upang maging isang tunay na halaman
(Pare ko, sayang ka)
Kung ika'y musikerong walang magawang kanta
(Sayang ka, kung ikaw...)
Ay taong walang ginawa kundi ang gumaya
(Ang lahat ng bagay ay may kaalaman)
Sa lahat ng bagay sa kanyang kapaligiran
(Idilat mo ang 'yong mata, ihakbang ang mga paa)
Hanapin ang landas ng patutunguhan
REFRAIN
'Pagkat ang taong mulat ang mata
Lahat ng bagay, napapansin n'ya
Bawat kilos n'ya ay may dahilan
Bawat hakbang may patutunguhan
Kilos na, sayang ka
(Sayang ka, aking kaibigan)
Kung 'di mo makita ang gamit ng kalikasan
(Ang araw at ulan)
Sila ay narito, iisa ang dahilan
(Sayang ka kung wala kang nakita sa ulan)
Kundi ang basa sa 'yong katawan
(Sayang ka kung wala kang nakita sa araw)
Kundi ang sunog sa 'yong balat
[Repeat REFRAIN]